Entry #5: Social and Morals
The rain was pouring torentially, the wind clashing to the ground angrily, as the thunder loudly roaring in the busy street of the night. Buti na lang may payong ako, kasi kung wala baka nagmukha na akong basang sisiw. I rode the jeepney with frustration because my ride way home for the last couple of months was seamless. Isang sakay lang talaga ang biyahe ko pauwi. Nang sumakay ako ng jeep, may isang itim na malaking duffle bag, siksik ito at alam mong mabigat. I sneaked at the woman understanding that the bag on the ground was hers, while I quite can't figure how she could carry that while holding a baby on her lap. May mapaklang pait sa aking bunganga nang mapasigaw kaming nasa hilera nang lumakas lalo ang hangin, at nabasa ang likuran namin dahil umiindayog na sa hangin ang trapal sa bintana ng jeep. May sinasabi ang driver ng jeep, hindi ko makuha, pero kinalaunan ay napagtanto ko na dahil iyon sa babae na may hawak na anak.
“Pwede ba patulungan ang babae?” galing sa driver, may halong pag-aalala dahil sobrang lakas ng bugso ng ulan.
Doon ay parang nataranta na ang iba, 'di magkumayaw dahil nga bukod sa nililipad ang trapal, huminto kami sa ilalim ng footbridge. Para kahit papaano ay makasilong, kaso hindi ko nga lang sigurado nung gabing iyon kung epektibo dahil basa na rin kaming lahat.
The woman beside me asked the mother if she has cloth to cover her daughter's head for protection. Kaso wala yata at parang hindi pa alam ng babae ang gagawin, hindi ko alam kung tuliro ba siya, pero naiintidihan ko naman. Malakas ang ulan may hawak siyang bata at may malaki siyang bag.
Then the woman beside her took a handkerchief inside her bag, she put it on the head of the baby, with the baby girl's eyes looking at us in her doll eyes filled with innocence.
“Patulungan po 'yung babae.” tulong-tulong ang mga nasa jeep, itinulak ang bag niya palabas. Akala ko ay hanggang doon na lang, pero may bumabang lalaki, estudyanteng nasa medical field base sa suot niyang damit at sapatos.
Sinuong niya ang gabing may nangangalit na ulan at kidlat para ihatid ang babae patungo sa silungan.
“May bumaba ba?” tanong ng driver na may katandaan, hindi rin kasi raw siya gaanong nakakarinig sabi niya nung may nagaabot ng bayad.
Siguro nasanay lang ako na may mga taong mas nangingibabaw ang frustration, ngunit ng gabing 'yun lahat ng nasa jeep ay tahimik na nag-aabang. Walang side comments sa mga nasa tabi ko. At may mga estudyante pang natatawa dahil nga naman nasa gilid kami ng kalsada ninamnam ang kalakasan ng ulan.
Dumiretso na kami nang makabalik ang estudyante sa jeep, nagpatuloy ang driver sa pagbiyahe kahit na may kakaunti nang pag-angat ng baha sa kalsada.
Despite the certain difference of the night that I had usually have, it somehow makes it comforting. The struggle of every Filipinos going home every single night, especially when it's raining hard, and then surviving the chaos of riding the public vehicles just to get home and repeat the same routine the next day. And somehow above all this, the kindness within everyone is still freely given.
Comments
Post a Comment