Entry #4: The Tale of Shawarma

 PANSAMANTALA ko munang iibahin ang tema ng entry ko ngayon. Sinusubukan ko kasing maging makabuluhan kahit na unti-unti na akong nilalamon ng short reels, iba ang amats kakahanap ng reels na makabuluhan. Kaso, karamihan naman sa storyline na gamit nila, iisa lang, ang gumaganap lang ang naiiba. 

Kanina, habang ako ay pauwi na, naramdaman ko ang gutom sa aking tiyan. Sa karaniwang station ako bumababa, mga usual na food stalls ang nando'n. Dapat ay magwiwithdraw ako ng pera, pero hindi ko na natuloy pa. Gutom na rin kasi ako nang mga oras na 'yun. Kapag pa naman gutom ang isang tao, mataas ang tsansa na lutang na sa mga susunod na gagawin. Nasa harap na ako ng food stall, shawarma na chicken ang naisip kong bilhin. 

"G-cash payment po." matapang kong pagkakasabi habang tumango naman ang nagbabantay at ginawa ang order ko. Kinumpirma ko muna kung pwede ba ang mode of payment nila, mamaya kasi ay hindi sila tumatanggap ng cashless nang oras na 'yun. Madalas pa naman na gano'n ang eksena sa Pilipinas, nahuhuli na nga raw tayo pagdating sa cashless payment. 

"Six to eight minutes po." ani nang gumagawa, at tumango rin ako dahil gano'n naman palagi. Habang pinapanuod ko ang pagluluto ni Kuya sa pagkain, na kabisadong-kabisado na niya kung paano ang tamang pagkakawa, hindi ko maiwasang pumalakpak sa loob ko. Kakaunti na lang din kasi ang chicken meat, madalas kasi kapag bibili ako, malimit maubos at ang normal na baka ang natitira. Gustuhin ko man ay hindi naman ako pupwede. 

I took my phone to scan the QR code plastered on the side. Binuksan ko ang data ko at masaya pang nakatingin sa screen habang hinahanap ang G-cash. Pero mabilis nawala ang ngiti sa aking mga labi. Pucha! Iyon ata ang tumatakbo sa utak ko nang maalala kong balak ko nga pa lang magpaload bago ako umalis nang office. Kaso huli nang maisip ko at nasa harapan na ako ng food stall, patapos na si Kuya sa paggawa ng shawarma.

Sa mga ganitong eksena, anong gagawin mo? Tatakbo ka ba? O 'di kaya'y sasampalin mo ang sarili mo kasi sa lahat ng oras na pwede kang maging lutang, sa pagkakataon pa na nasa harapan ka ng tindero at iniiaabot na niya sa'yo ang order mo. 

Hindi pala magandang combination ang gutom at cravings? Maling-mali talaga. Panic is suddenly consuming in my head. From what I always been doing in my life, I wanted it to be smooth. Bakit kailangan magulo? 

"Okay na po." ani ng tindero at ako naman ay hindi magkaintindihan kung paano ko bubuksan ang G-cash ko nang wala akong internet. Mula sa aking paningin ay kita ko ang ATM sa 'di kalayuan, pwede ko  namang takbuhin para magwithdraw, pero mahaba ang pila. At nag-aabang na si Kuya sa pambayad ko. 

Bahala na! Mukhang magagamit ko naman ang taon kong natutunan sa trabaho ko, kung paano kumapal ang mukha. "Kuya, pasensya na po, pwede po bang makiconnect sa data mo?"

Kung ang bersyon na nakatayo sa harapan ni Kuya ngayon ay ang ako nung nakaraang ilang tao, baka ay napako na ako roon dahil sa frustration. So anong connect ng shawarma sa kwento ko ngayon? At bakit ako nag-exert ng effort gumawa ng entry tungkol dito? Well, I think it's serves a small reminder for me, that I wouldn't envision myself speaking for small things like this. Experiences in life do really make difference for us. Minsan ay nangangahulugan na isa itong growth sa mga kakaharapin mo sa future.

Gaanuman natin sabihin sa sarili natin na, eto lang ako. Nagbabago ang perception natin kinalaunan. I think that's the beauty of being human, we are naturally adaptable for whatever is given on our table.

Pero ang bottomline naman ng lahat ng pagkakataong nangyari sa akin, teh magload ka na ha?!


Yours Truly,

Joyxoxo💋 


Comments